Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Only Pure Hearts Can Break The Spell

HomeAng Kwento ng Libro...Sep 23, 2009
ONLY PURE HEARTS CAN BREAK THE SPELL
Eloisa Marie Hernandez
Melanie Quilla

Dahil sa pagkaka-reject ng thesis proposal, lalong naging determinado si Azhena na mapatunayang totoo ang usap-usapang underground society of witches sa kanilang unibersidad.
Sa misyong ito, naging kaakibat niya ang GSPub- ang official publication ng campus na pinamumunuan niya. Binubuo ito ng mga kabataan may iba’t ibang personalidad na naging solid na magkakatropa. Mula sa pangangalap ng impormasyon hanggang sa imbestigasyon, unti-unti nilang naungkat ang lihim ng Societa Y Majicka- ang napabalitang underground society of witches na binubuo ng mga kapwa nila estudyante, mga propesor, staff, at school administrators.
At nang dumating ang oras na halos nalaman na nila ang lahat, isang pangyayari ang naging mitsa ng panganib na nagpabago sa takbo ng buhay ng bawat kabataang nasangkot sa isang gulo.
Labing-walong kabataan. Hinubog ng iba’t ibang istorya ng buhay, personalidad at pananaw. May kanya-kanyang pang-out-of-this-world na trip at kawirduhang taglay. Pinagbuklod ng pagkakaibigan, pagmamahal, pananalig sa Diyos at tiwala sa isa’t isa.
Sino ang kalaban? Sino ang kakampi?
Ano ang dapat manaig?
Alin ang tama at alin ang mali?

Blog EntrySep 23, '09 1:01 AM
for everyone

Only Pure Hearts Can Break the Spell (Informal Fiction Review)

By closet writer of FilipinoWriter.com (Excerpt)

Kung ang launching ng libro ay kagaya ng premier night ng mga pelikula na kinukunan ng reactions ang mga manunood, eto ang isisigaw ko sa harap ng camera... “Panalo!!! Parang pinaghalong Harry Potter, Angels and Demons at DaVinci Code. Kumpleto sa ingredients, as in super impatso sa entertainment value ang isip ko pagtapos kong mabasa!!!”

Tama. Punong puno ng winning formula ang libro na ginawan ni Jonsdmur ng akmang cover design.

May suspense (sa dami ng unexpected turn of events at mga revelations/surprises)

may mystery (kung paano nila diniscover ang underground society of witches)

may action (labanan between good and evil)

may drama (na sobrang tatak Melay at Eloi,haha)

may comedy (ang kulet ng character ni Jazzper, Al at Val. Pero pinaka gusto ko si Mr. Schizvenir. Haha ang kulet ng bakla, parang gusto ko na rin imemorize ang Bahay Kubo gay version)

 Kainis, sa kanyang character pa may tragedy (ang pagkamatay ni Al  naman ako super nakarelate kase feeling ko pareho kami ng angas at may pagka-narsicistic haha)

may love story (sad ending love story ni Al at Grace at ang dakilang pagmamahal ni Hezron kay Hania)

The book has 13 chapters, na sya ring pinakapaborito kong part. Nakakahiya man, pero kailangan ko uling aminin na parang pinipiga ang dibdib ko habang binabasa ang buong last chapter. Iniyakan ko talaga, pramis. haha!!! Na drain ako don ah. Gusto ko kase yong idea na nag focus ang last part sa napakagandang friendship kase doon nagkaroon ng reality touch at naging emotional ang buong kwento. Syempre, gusto ko rin na nagtapos ito ng may redeeming factor.

Over all, the story is very engaging. Hindi mo titigilan once na pinasok mo na ang kwento. Kaya kahit na pumi-psttt pstttt si Yien (one of FW) sa ym ko, dedma muna sya haha. Pakiramdam ko non, parang kasama akong pumasok ng group don sa loob ng dimension at nakipagtunggali sa mga evil Wiccans. Nanghina din ako pagtapos ng deadly fight kase ako nga si Al sa kwento at gaya nya, paborito ko din yong “Remember me this way” na kanta sa Casper the movie.

Sana di ko mapreempt ang excitement ng mga hindi pa nakabili ng book. So I recommend you get a copy of your own to experience the whole story. This book is a MUST have.

reference: http://www.filipinowriter.com/only-pure-hearts-can-break-the-spell

*****

si closet writer ay isa sa mga manunulat ng Filipinowriter.com at isa sa mga unang nakabili ng libro.

 



Blog EntrySep 22, '09 1:19 AM
for everyone

            Sa kalawakan ng isang unibersidad sa Maynila ay  matatagpuan mo ang iba’t ibang estudyante ng bagong henerasyon. Pasukin natin ang GSPub office. Una mong matatagpuan si Azhena Keim Nievez, ang medyo mataray ngunit mabait na headwriter ng Golden Sparrow Publication. Unica hija ng pamilya Nievez kaya’t alagang-alaga ng kuya niyang si Hezron Keith na nagkakagusto sa isang napabalitang witch na si Hania Mitropolus.

            Nasa tabi ni Azhena si Renzther Geuvon, ang Russian computer genius ng grupo na maraming alam na lenggwahe ngunit hindi matuto-tuto ng Filipino kaya palaging may bitbit ng English-Tagalog/Tagalog-English dictionary.

            Sa isang mesa naman ay matatagpuan ang may kayabangang si Al Vou Lherio, ang GSPub writer na isa ring ramp and print model na pinangangalandakan palagi ang kanyang kaguwapuhan. Madalas siyang may hawak na salamin at panay lang ang pag-aayos ng buhok at pagtitig sa sarili. Lingid sa kaalaman ng lahat ay meron siyang munting sikreto na iniingat-ingatan.

            At habang abala sa pagkaka-catwalk si Al sa pagitan ng pagsilip sa hawak na salamin ay matatalisod siya sa naka-split na binti ni Val Lherino, ang most outstanding male ballet dancer ng unibersidad na palaging kaaway ni Al. Pagmamay-ari niya ang gitnang bahagi ng opisina dahil madalas  siyang nagpa-practice ng ballet doon.

            At tuwing sesemplang si Al, ang unang humahagalpak ng tawa ay si Grace Divina Sebastian, ang Born Again Christian na napupusuan ni Al. Siya ang madalas asar na asar sa pagpapa-kyut ng binata dahil mas gusto niya ang sulyap-sulyapan si Renzther na sulyap naman ng sulyap kay Azhena.

            Para matigil ang gulo, mag-aalok ng mga panindang pagkain si Jazzper Vayensel, ang Ingles-kabayong negosyante ng grupo. Nakasanayan na ang walang kamatayang bukambibig niya na chicharon, kropek, polboloron, at shing-aling. Kahit cellphone load pinatos. Mukha siyang walking sari-sari store dahil sa mga bitbit na madalas namang dekwatin ni Al o kung hindi naman ay inuutang lang ng grupo.

At habang abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain,  hindi nila alam na may isang binatang nakaputing uniporme ang palaging nakabantay sa kanila.

            Kapag lumabas ka na ng opisina at maglakad-lakad sa kalawakan ng field ay makakasalubong mo si Mr./Madam Beltrein Schizvenir na kumakanta ng gay version ng Bahay Kubo habang hinahawi ang kanyang imaginary hair. Sa lilim ng mga malalaking puno ng narra ay matatanaw mo ang magugulong sina Enver, Billy, Athus, at Akemy na nagtuturuan kung sino ang nagsuot ng brief ng may brief. Sa study lounge malapit sa open field ay makikita sina Kaimi, Meirah, at Jheru na pinagtatawanan ang kalokohang pinaggagawa nina Enver.

 At kapag nakarating ka na sa loob ng isa pang gusali, makikita mo sa labas ng library ang matandang dalagang librarian na si Mayen na daig pa ang teenager kung kumikibot-kibot habang inaalayan ng bulaklak ng janitor na si Mang Onin.

Maya-maya pa ay makikita mong lalapit sa kanila ang mag-asawang Zatina at Devon kasama ang kanilang anak na si Loriean. At habang seryosong nag-uusap ang mga ito ay darating naman ang mag-asawang Mailey at Den Rich na agad namang paparinggan at aasarin ni Zatina.

 

At kung makakasalubong mo ang ilan sa kanila,  malamang ito ang sasabihin nila sa ‘yo:

 

“Salamat sa malasakit mo pero hindi na kami pwedeng umatras. Malayo na ang narating namin para dito.” –Azhena

 

“Where is my dictionary? . . . Where is my dic-tio-na-ry?!” –Renzther

 

“Campus crush ako, ubod ng guwapo, napakaguwapo, pinakaguwapo, hari ng kaguwapuhan, sobrang guwapo, laging guwapo. Pero minsan kailangan ding maging lampa para agaw eksena.” – Al

 

            “Hindi ako sumasayaw ng walang stage.” –Val

 

            “Prayer meeting na naman? Sa kaluluwa nino? Eh hindi ko naman kilala ang matandang iyon ano! Ayoko mag-prayer meeting!” –Grace

 

            “Bili na kayo ng chicharon, polboron, kropeck! Kung ayaw n’yo may shing-aling din ako dito!” –Jazzper

 

            “Brief meeting? Gagawa tayo ng brief potion and spell? Yes! May isusuot na ako!” –Billy

 

            “Kung hindi talaga pwede, huwag mo ng pilitin. Kung talagang mahal mo siya, isipin mo na lang ang kaligtasan niya. Ayos na ang set up na ito. At least, buhay siya.” –Jheru

 

            “Hangga’t nadito ang guwapo mong kuya, walang mangyayari sa iyong masama. Pangako.” –Hezron

 

            “Pakuluan ang mixture… Shabooya! Shabooya!” –Hania

 

            “Kesyo, bakit daw hindi ako magaling? Bakit hindi ako ang pinakamagaling? Kailangan daw mahigitan ko ang lahat. Dapat ako ang the best. Nakakainis!” –Loriean

 

            “It says here, Keep quieeeett!!! Mga walang galang! Hindi n'yo na ginalang ang library!” –Mayen  

 

            Valer kuberch kahit jutay, ang julamantrax donchi ay anek-anek!” –Beltrein


Photo Albumbook signing sa MIBFSep 21, '09 11:45 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
book launch/book signing/book fair

Photo Albumthe booksSep 21, '09 11:03 PM
for everyone
ddd
dThumbnaild
ddd
yan na ang aming libro....